Sunday, October 21, 2007

Noli Me Tangere Tauhan Kabanata 1

Kabanata 1

Don Santiago de los Santos – SIya ay mas kilala bilang kapitan Tiago. Isang mayamang lalake na kinikilalang ama ni Maria Clara. Siya ang nagpahayag ng isang pagtitipon na inihayag sa kanilang lugar sa Binondo.

Tiya Isabel – isang matandang babae na pinsan ni Kapitan Tiago na siyang umaasikaso sa mga babae sa pagtitipon upang mapalagay ang kanilang mga loob. Mukha siyang mabait at hindi gaanong marunong mangastila ngunit siya ay madaling mabagot.

Padre Sibyla – Isang Dominiko na matanda ang hitsura ngunit makisig at malinis tingnan. Siya ay isang kura ng Binondo, propesor sa San Juan de Letran at kilala sa pakikipagtalastasan sa mga sekular na bagay. Siya ay pasensyoso, mabait at matalino.

Padre Damaso – Isang pransiskanong pare na makumpas at masalita. Parang si Herkules ang kanyang katawan. Ang kanyang pagiging masayahin ay natatakpan dahil sa kanyang magaspang na boses. Siya ay masungit, madaling magalit at may kayabangan, hindi tumatanggap ng pagkatalo.

G. Laruja – Maliit at maitim ang kanyang balbas, isa siyang sibilyang doon na may napakalaki na ilong at tila mais ang buhok. Siya’y bagong dating sa Pilipinas

Don Tiburcio de Espadaña – Isang pilay na Español na tahimik at may maamong mukha.

Donya Victorina – Asawa ni Don Tiburcio na may kulot na buhok, at makapal ang kolerete sa mukha.

Tinyente Gibara – Isang matandang tinyente ng gwardya sibil, matangkad at parang mabagsik, mabagal, matigas at maikling magsalita.

3 comments:

Unknown said...

I like ur intentions and i like this website :)

Unknown said...

Yown ayos

Unknown said...

Well presented yet essential