Sunday, October 21, 2007

Kaya ng Pinoy

This is our peice sa sabayang pagbigkas..


Kaya ng Pinoy
Ni Domingo G. Landicho



Kaya ng pinoy!
Kayak ko!
Hoy! Hoy! Hoy!
Kaya mo!

Sa gitna ng ating mga suliranin
Dapat lang na tayo’y magbigkis ng giting
Hwag pagagapi anumang dumating
Sama sama nating ito ay harapin

Dinanas na nating lahat ang pagsubok
Sa dayuhang lakas tayo’y nakihamok
Ang bayaning diwa ay nakipagtuos
Upang ang lahi ay ating itampok

Sa isang panahon ng kamay na bakal
Pinoy ay tumayo, matapang, marangal
Ang baril at kanyo’y hinarap ng dasal
Ang pagkakaisa’y ating itinanghal

Ang buong daigdig sa ati’y humanga
Pagkat demokrasya’y inangking payapa
Pag baya’y nakapuklod sa isang pithaya
Laksa ng kanila’y lakas si Bathala

Ang mga pagsubok dumating, umalis
Sinusukat tayo, parang tinitikis
Sa lindol at bagyo, hwag maghinagpis
Lakasan ang loob, tibayan ang dibdib

Kaya ng pinoy ang anumang hirap
Ang mga pagsubok lilipas din tiyak
Magkakapitbisig damayang balikat
Kung dusa ng isa ay dusa ng lahat

Kaya nating pinoy, lahi ng magiting
Lahi ng bayaning umalis-dumating
Bayang Pilipinas, iluklok, mahalin
Sama-sama tayong bukas ay lakbayin
Ang kinabukasan ay baying payapa
Lupa at pabrika, mayamang biyaya
Hayan na ang bagong araw ng adhika
Inang Pilipinas, baying pinagpala

Kaya ng pinoy!
Kaya ko!
Hoy! Hoy! Hoy!
Kaya mo!

No comments: